Kiana & Sophia

Kiana & Sophia
Tulang Pambata for sale

Friday, August 29, 2014

BATANG LANSANGAN

Sa aking itsura sanay wag akong husgahan
Akoy isang biktima lang ng mapait na kapalaran
Iniwan at pinabayaan ng mga magulang
Itinakwil at kinalimutan ng buong sambayanan

Titigan nyong mabuti ang aking mga mata
Ang pagiging batang lansangan ay ginusto ko ba?
Kulang na lang na ako'y sampalin at sakalin
Sa mga pangungutya at mapaghusga ninyong tingin

Habang may mga batang katulad ko
Walang magandang bukas ang bansang ito
Dahil ang batang lansangan ay isang simbulo
Ng gobyerno at sambayanang walang mapagmahal na puso. Bow!

ILOG PASIG

Minsan sa ilog Pasig ako'y naligo
Malinaw ang tubig mga isda lumulukso
Ako'y lumangoy at sumisid sa pailalim
Mga malalaking hipon bumulaga sa paningin

Nang sandaling umahon ako'y nabigla
Ang lahat ng iyon ay panaginip lang pala
Sapagkat ang ilog Pasig ay matagal ng patay
Sinakal ng basura at kemikal kagandahan ay nawalay

Paano ninyo nagawa ang lahat ng ito?
Karapatan ko sa malinis na ilog ay sinira ninyo!
Lahat tayo'y mag tulungan at gawin ang nararapat
Linisin natin ang mga ilog bago mahuli ang lahat.


KUNTING HILING LANG PO, KUNG KAYO
AY NASIYAHAN SA MGA TULA, PAKI-CLICK
ANG MGA AD O PATALASTAS SA MAY GILID.

SALAMAT PO

BATANG MAGALANG

Hindi na raw magagalang ang mga bata ngayon
Hindi na kasin-galang ng nag daang henerasyon
Dapat ibalik sa kabataan ang magagalang na asal
Ang pagmano sa nakakatanda at marunong magdasal

Kaming mga kabataan ay madaling turuan
Ang pagiging magalang ay nagmula sa mga magulang
Sana kami ay inyong turuan at gabayan 
Sa pagiging magalang at mapagmahal na kabataan

Ipa-alala sa amin kung paano mag mano
Kami ay pagsabihan kung ayaw sumunod sa inyo
Handa kaming sumunod dahil kayo ang mga magulang
Nasa inyong mga kamay para gawin kaming magalang.

INHENYERO

Gusto ko paglaki ay maging inhenyero
Dahil sa matematika ako ay matalino
Gagawa ako ng mga gusali at magagarang bahay
Pati mga kalsada, planta at tulay na matitibay

Ako'y inhenyero na ma-aasahan
Sa aking galing hahanga ang mga dayuhan
At ipag mamalaki ko na ako'y Pilipino
Isa sa pinaka-magaling na mga inhenyero sa buong mundo! Bow.


KUNTING HILING LANG PO, KUNG KAYO
AY NASIYAHAN SA MGA TULA, PAKI-CLICK
ANG MGA AD O PATALASTAS SA MAY GILID.

SALAMAT PO

GURO

Salamat po sa lahat aking guro
Ako may alam dahil sa inyong mga turo
Huwag mag-alala kayo'y di kakalimutan
Habang buhay ko po kayong pasasalamatan

Salamat din po sa inyong sipag at tyaga
Bilang pangalawang magulang na sa amin ay nag alaga
Mahirap tapatan ang inyong mga sakripisyo
Sa kabila nang pagod at kapirangot na sweldo

Mahal kong guro huwag mag-alala
Kahit saan kami mapadpad dala namin inyong ala-ala
Kayo po ang tunay na mga anghel dito sa lupa
Kami'y tinulungan na magiging mababait na tupa.

IBON

Kay gandang pagmasdan ang mga ibon
Madaling makarating saan man paroroon
Kayang-kayang lumipad pababa at pataas
Habang kumakain ng mga kulisap at mga prutas

Pagsikat palang ng araw sila ay gising na
Masasayang kumakain, maglaro at kumanta
Pag lubog ng araw lahat silay nagpapahinga
Upang masayang salubongin ang bagong umaga

Ibong malaya kayo'y nakakaingit
Wala sa inyong puso ang kasakiman, poot at galit
Sana sa tao kayo ay tularan
Matutong mabuhay ng simple at nagmamahalan. Bow!



KUNTING HILING LANG PO, KUNG KAYO
AY NASIYAHAN SA MGA TULA, PAKI-CLICK
ANG MGA AD O PATALASTAS SA MAY GILID.

SALAMAT PO