Kiana & Sophia

Kiana & Sophia
Tulang Pambata for sale

Monday, July 14, 2014

MASAMANG PANAGINIP

Minsan sa klase ako ay naidlip 
At nagkaroon ng masamang panaginip
Ako'y hinahabol ng malaking lobo
Muntik nang maabutan ang mabagal kong takbo

Buti na lang at ako'y ginising
Ng aking kaklase ng ako'y napansin
Mula ngayon hindi na ako magpupuyat
Baka maidlip muli sa lobo ako'y makagat. Bow!

Ni : Jun Abines


KUNTING HILING LANG PO, KUNG KAYO
AY NASIYAHAN SA MGA TULA, PAKI-CLICK
ANG MGA AD O PATALASTAS SA MAY GILID.
SALAMAT PO

PARAISO

Masarap mamuhay sa aming probinsya
Malinis ang hangin at ubod ng saya
Malawak ang paligid at malayang maglaro
Maraming kahayopan at naglalakihang puno

Masarap at presko ang mga pagkain
Kaya ako'y malakas at hindi sakitin
Pinapalibutan kami ng magagandang tanawin
Iba't ibang kulay sa paligid ikaw ay aakitin

Halina't dumalaw sa aming probinsya
Upang makamtan ang tunay na saya
Lasapin kahit sandali ang simpling pamumuhay
Dahil kami ay nakatira sa paraisong tunay. Bow!

Ni : Jun Abines


KUNTING HILING LANG PO, KUNG KAYO
AY NASIYAHAN SA MGA TULA, PAKI-CLICK
ANG MGA AD O PATALASTAS SA MAY GILID.

SALAMAT PO