Kiana & Sophia

Kiana & Sophia
Tulang Pambata for sale

Friday, August 29, 2014

MAMANG TSUPER

Mamang tsuper salamat po sa inyo
Ako ay ligtas dahil sa maingat mong pagmaneho
Sana sa maykapal pag palain kayo
At huwag uminit ang ulo sa bohol-bohol na trapiko

Mamang tsuper dahan-dahan sa pag preno
Upang di masubsub ang inyong pasahero
Huwag din masyadong palakasin ang bosena
Dahil nakakabingi at masakit sa tainga

Mamang tsuper kayo ay mag-ingat
Huwag basta-basta sa ibang linya lilipat
Kayo rin baka mahuli kayo ng pulis
Mahal ang multa ng ticket at mga papeles

Mamang tsuper salamat ulit
Ang aking opinyon sa inyo ay di pinipilit
Gusto lang marinig mo itong aking tula
Dahil sa totoo lang ako sa inyo ay may tiwala. Bow!

No comments:

Post a Comment